SHOOTING INCIDENT | Suspek sa California shooting, kinilala na

28

California – Isinapubliko na ang pagkakakilanlan ng suspek na sangkot sa pamamaril sa borderline bar and grill sa Thousand Oaks, California.

Ito ay sa katauhan ni Ian David Long, 28-anyos.

Si Long ay dating U.S. Marine Corps Veteran.

Ginamit ng suspek ang glock 21 caliber 45 sa krimen.

Lumabas din sa imbestigasyon na maaaring sa labas pa lamang ay sinimulan na ng suspek ang pamamaril.

Nabatid na umabot sa 12 ang nasawi sa krimen.

Facebook Comments