SHOOTING INCIDENT | Suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo, lima na ayon sa PNP

660

Manila, Philippines – Limang suspek na ngayon ang tinutugis ng Philippine National Police (PNP) na magkakatuwang na pumatay kay Father Richmond Nilo sa Zaragoza Nueva Ecija.

Ayon kay PNP Region 3, Regional Director Police Chief Superintendent Amador Corpuz mula sa dalawang suspek na kanilang natukoy kahapon limang suspek na ngayon ang kanilang target sa operasyon.

Aniya batay sa CCTV footages na kanilang nalikom lumalabas na may dalawang suspek na sakay sa getaway car at tatlong suspek ang sakay sa motorsiklo na silang tumungo sa kapilya ni Father Nilo para ito barilin dahilan ng kanyang pagkasawi.

Isa sa mga suspek aniya ay tukoy na nila pero kinikumpirma pa nila ang pagkakakilanlan nito.

Tatlong motibo na rin ngayon ang nakikita ng pulisya sa pagpatay kay Father Nilo.

Una rito ay ang pagtulong niya sa mga away sa lupa sa Nueva Ecija, pangalawa ay ang pagtulong niya sa mga biktima nang panggagahasa at pangatlo ay ang kanyang paninindigan sa kanyang pananampalataya laban sa mga kritiko.

Tiniyak naman ni Corpuz na maaresto ang mga suspek sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments