
Cauayan City – Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng panloloob sa isang shopping center sa Brgy. Centro 1, Sanchez Mira, Cagayan.
Ayon sa ulat, tinatayang apat na hindi pa nakikilalang indibidwal ang puwersahang nilagari at sinira ang padlock sa likurang bahagi ng establisyemento upang makapasok.
Nadiskubre kinaumagahan ng may-ari at mall manager na winasak din ng mga suspek ang vault ng shopping center, at tinangay ang tinatayang humigit-kumulang ₱1-M cash.
Agad namang inireport ang insidente sa pulisya, na agad nagsagawa ng hot pursuit operation.
Patuloy ngayong sinusuri ang mga CCTV footage upang matukoy ang mga responsable sa krimen.
Facebook Comments