SHORTLIST | 4 na kandidato sa pagka-Associate Justice, isusumite ng SC sa JBC

78

Manila, Philippines – Mayroon nang shortlist ang Supreme Court (SC) sa babakantehing posisyon ni Associate Justice Noel Tijam.

Sa ginanap na en banc kanina, sinabi ni SC Spokesperson Midas Marquez na nakapagbotohan na sila at 4 na pangalan ang lumutang para pumalit sa posisyon.

Nanguna sa botohan si CA Justice Manuel Barrios na nakakuha ng 7 boto habang sumunod naman sina Court of Appeals Justices Ramon Bato, Jr. at Ramon Garcia na may tig-6 na boto.

Kasama rin si Marquez sa shortlist na nakakuha ng anim na boto.

Ang naturang shortlist ay namang ng SC sa Judicial and Bar Council (JBC) kung saan magpupulong sila sa Biyernes.

Enero ng susunod na taon magreretiro si Justice Tijam.

Samantala, iniulat naman ni Marquez na si Associate Justice Diosdado Peralta na ang magiging chairman ng SC Rules Committee na siyang nagre-review ng Rules of Court.

Facebook Comments