SHOWBIZ BALITA | Luis Manzano, muling pumatol sa bashers nito; K Brosas, uminit ang ulo sa mga bumabatikos sa kanilang picutre kasama sina Pooh at Chokoleit sa binyag ng anak ni Pokwang

90

Manila, Philippines – Muli na naman pumatol sa isa niyang follower sa twitter ang TV host / actor na si Luis Manzano.

Ito ay matapos siyang batikusin ng netizen sa mga biro niya sa kapwa TV host na si Bayani Agbayani sa kanilang show.

Ayon sa mensahe ng netizen, nakaka-offend na daw ang mga biro ni Luis kay Bayani at hindi na daw ito nakakatuwang pakinggan at panoorin pa.

Say naman ni Luis, wala siyang ginagawang pang-iinsulto kahit kanino at nirerespeto niya din ang mga kapwa niya TV host at artista kaya at pinayuhan niya ito na mag-relax na lamang at i-enjoy ang buhay.

Samantala, napuno na din ang singer/TV host na si K Brosas sa mga bumabatikos sa picture nila kasama sina Pooh at Chokoleit na tumayong mga ninong at ninang sa anak ni Pokwang Lay Lee O’brian na si Malia.

Sinabi kasi ng instagram user na si @iambabelyne, na kawawa naman daw ang baby ni Pokwang dahil sila ang naging mga ninong at ninang.

Dito na uminit si K sabay sabing masama ang ugali ng netizen at dapat daw ay hindi nito ibinabase ang itsura para maging ninong at ninang.

Facebook Comments