SHOWBIZ BALITA | Nude video ni Mark Bautista, pinagpye-pyestahan ngayon ng netizens; Carlo Aquino, hindi pa raw handa para magkaroon muli ng relasyon

Manila, Philippines – Talk of the town ngayon ang singer na si Mark Bautista matapos na kumalat sa internet ang nude video nito.

Pinagpi-pyestahan ngayon ng mga netizen ang nasabing video kung saan makikita dito na nakahubad si Mark habang nasa banyo.

At kahit na tinakpan ng nag-upload ang maselang bahagi, makikita pa rin ang ilang mga nakatagong bahagi ng katawan nito.


Matatandaan na una nang isiniwalat ni Mark na siya ay isang bisexual at inamin na may nakarelasyon siya na kapwa rin niyang lalaki.

Samantala, nilinaw ni Carlo Aquino na magkaibigan lamang sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban.

Ito ay sa kabila ng ilang pagkakataong nakita silang magkasama, kabilang na ang pagpunta nila ng Australia kamakailan.

Hindi pa raw kasi handa si Carlo na pumasok sa panibagong relasyon matapos mauwi sa hiwalayan ang pitong taong relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend.
Kinumpirma naman ni Carlo na isang romantic movie ang muling pagtatambalan nila ni Angelica sa ilalim ng direksiyon ni Dan Villegas.

Facebook Comments