Showbiz industry, nagluluksa sa pagpanaw ng dating aktor na si Ramon Revilla Sr.

Nagluluksa ngayon ang industriya ng showbiz sa pagpanaw ng dating senador at aktor na si Ramon Revilla Sr. sa edad na 93.

Ito ay matapos ianunsiyo sa Facebook live ng kaniyang anak na si Senator Bong Revilla na binawian na nga ng buhay ang kaniyang ama.

Kinunan pa ni Senator Bong ang eksena sa loob ng kwarto ng kaniyang ama habang nag-iiyakan ang iba pa nilang kaanak.


Si Senator Ramon Revilla ay may 72 anak sa 16 na babae, kung saan 38 sa mga ito ang opisyal na kinilala ng dating senador at gumagamit ng kaniyang apelyido.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng dating senator ang ilang mga artista kabilang na ang beteranang aktres na sina Vivian Velez, Elizabeth Oropesa, habang labis namang ikinalungkot ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang pagpanaw ng kaniyang father-in-law.

Ilalagak ang mga labi ng dating senator sa kanilang tahanan sa Bacoor, Cavite.

Facebook Comments