SHOWBIZ NEWS | Jenine Desiderio, nagsalita na sa pananakit ni Elmo Magalona sa kanyang anak na si Janella Salvador

Manila, Philippines – Nagsalita na rin ang singer-actress na si Jenine Desiderio kaugnay ng rebelasyon ng anak na si Janella Salvador tungkol sa pisikal na pananakit umano sa kanya ng ka-love team at rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Ayon kay Jenine, natutuwa siya na nagsabi na ng totoo ang kanyang anak tungkol sa isyu na kinasasangkutan niya.

Tila isang mabigat na bato daw ang natanggal sa kanyang dibdib dahil sa ginawa ni Janella.


Maligayang-maligaya at nagpasasalamat din si Jenine sa lahat ng mga nakakaunawa sa pinanggalingan niya bilang ina ni Janella.

Facebook Comments