SIBAK | Hepe ng Caloocan PNP at 2 station commanders, sinibak

467

Manila, Philippines – Sinibak ni National Capital Region Chief Police Director Oscar Albayalde ang hepe ng Caloocan PNP na si Senior Supt. Jemar Modequillo.

Ito ay dahil sa dami ng insidente na nangyari sa kanyang nasasakupang lugar na hindi nareresolba.

Pumalit sa kanya si Senior Supt. Restituto Arcangel.

Bukod sa kanya, sinibak din sa kaparehong dahilan ang commander ng Station 11 ng MPD na si Police Supt. Amante Daro.

Pumalit sa kanya si Supt. Julius Domingo.

Habang dahil naman sa pagiging maruming Police station ng station 10 ng Quezon City Police District ay sinibak rin ang commander nito na si Police Supt. Osmundo De Guzman.

Sa ngayon, hindi pa alam ni Albayalde kung sino ang pumalit kay De Guzman, ito ay ipinauubaya niya na kay QCPD director Police Chief supt. Guillermo Eleazar.

Matatandaang nitong nakalipas na Biyernes mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nakakita sa station 10 ng QCPD na napakarumi kaya napagsabihan nito ang mga naabutang pulis sa station 10.

Facebook Comments