SIBAK | Hepe ng Zamboanga City Police Office, sinibak matapos makatakas sa selda ng presinto ang 16 na bilanggo

Zamboanga City – Sinibak na sa pwesto ang hepe ng Zamboanga City Police Office na si Supt. Hadjiri Langgal.

Ito ay matapos ang pagkakatakas kahapon ng 16 na preso mula sa selda ng kanyang presinto

Ayon kay Police Chief Inspector Helen Galvez, tagapagsalita ng PNP region 9, nadamay rin sa pagkakasibak ang lahat ng pulis na naka duty sa Tetuan Police Station nang maganap ang jailbreak.


Ililipat muna ang mga ito sa Zamboanga City Police Office Holding Unit habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Sa kasalukuyan, 15 na ang nahuling preso habang isa pa ang patuloy na pinaghahanap.

Facebook Comments