SIBAKAN SA KAPULISAN | Nasa 70 police officials kabilang ang 3 heneral, sisibakin ng Pangulo

85

Manila, Philippines – Sisibakin anumang araw simula ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa pitumpung police officials, kabilang na ang tatlong heneral.

Sa PAGCOR-event kagabi sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Duterte na bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga tiwaling opisyal.
Ayon pa sa Pangulo – ngayong Linggo ay mayroon din siyang sisibakin na isang opisyal ng pamahalaan na may hawak na posisyon bilang chairman.

Wala pang ibang detalye na binanggit ang Pangulo hinggil sa gagawing pagsibak.

Una nang sinabi ng Pangulo na mas palalawigin niya ang paglilinis sa pamahalaan mula sa itaas hanggang sa mga Local Government Official.

Facebook Comments