SIGN-LANGUAGE STORE | Kauna-unahang sign language coffee shop sa Amerika – bubuksan!

Amerika – Kakaibang karanasan ang nais ibigay ng isang sikat na coffee shop sa mga customer nito sa US.

Magbubukas kasi ito ng kauna-unahang sign-language store sa Washington D.C.

Kukuha ang coffee shop ng mahigit kumulang na 20 empleyado na may kakayahan sa American Sign Language proficiency (ASL.)


Nilalayon ng kumpanya na mabigyan ng oportunidad na maging empleyado ang mga may kapansanan bilang isa ito sa misyon nilang “commitment to inclusion, accessibility and diversity.”

Una nang nagtayo ang naturang coffee shop unang sign-language store sa Malaysia.

Facebook Comments