Signal jamming sa National Museum, kinokonsidera ng PNP

75

Tinitignan pa ng pambansang pulisya kung may pangangailangan pang i-jam o tanggalin ang cellphone signal sa bisinidad ng National Museum bukas sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni PNP Director for Operations PMGen. Valeriano de Leon na dedepende pa ito sa mga impormasyon na makakalap ng kanilang intelligence group.

Pero ang pag jajam ng signal ay isa sa kanilang mga kinokonsidera lalo pa’t isang makasaysayang okasyon ang mangyayari bukas.


Ayon kay Gen. De Leon, kanila pa itong ifi-finalize mamayang gabi matapos ang pagpupulong sa Presidential Security Group.

Samantala, magtutungo din si Gen. De Leon sa National Museum mamayang hapon upang magkasa ng final inspection sa lugar.

Kanina nga ay nagkaroon ng security dry run at dress rehearsal ang PNP para sa inagurasyon bukas ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



Facebook Comments