SIGURADO! | Tarpaulin na nagsasabing probinsya ng China ang Pilipinas, hindi kagagawan ng administrasyon

140

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala nina Senators Panfilo Ping Lacson at Francis Chiz Escudero na hindi administrasyon ang nasa likod ng mga bumanderang tarpaulin sa ilang bahagi ng Metro Manila kahapon.

Mensahe ng nabanggit na tarpaulin na ang Pilipinas ay probinsya ng China.

Giit ni Lacson, ang nagkabit ng nabanggit na mga tarpaulin ay kaaway ng republika ng Pilipinas.

Para naman kay Escudero, mapang-asar na propaganda at bahagi ng paninira sa administrashon ang pagpapakalat sa nabanggit na mga tarpaulin.

Sigurado si Escudero na hindi ito gagawin ng administrasyon dahil magmimistulang ibinaon nito ang sarili kapag sila ang nagpakana nito.

Facebook Comments