SILEW-SILEW ED PLAZA SA SAN CARLOS CITY, BUBUKSAN NA

Ramdam na ang diwa ng Pasko sa San Carlos City dahil inihahanda na ng lokal na pamahalaan ang Silew-silew ed Plaza, isang makulay at masayang Christmas Lighting Ceremony na gaganapin sa mamaya,alas-5 ng hapon.

Bukas sa lahat ng dadalo pagsindi ng mga pailaw upang damhin ang pasko , at abangan ang mga espesyal na surpresa sa kabila ng nagdaang unos dulot ng Bagyong Uwan.

Ayon sa organisador, layunin ng event na pag-isahin ang komunidad, maghatid ng kasiyahan, at simulan nang may makulay na paraan ang Kapaskuhan sa lungsod, bliang inspirasyon sa tuluyang pagbabalik normal ng kalakaran sa lungsod.

Samantala, base sa pinakahuling talaan ng tanggapan, pinapabilis na ang pagbabalik ng suplay ng kuryente sa iba pang apektadong lungsod matapos ang 80% power restoration rate noong November 12.

Facebook Comments