Silver medal, nakuha ng Philippine Army sa rowing competition sa 31st Southeast Asian Games

75

Nakamit ng Philippine Army ang “silver medal” sa isa sa mga “rowing events” sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam, kahapon.

Ito ay sa pagtatapos sa pangalawang pwesto ni Phil. Army Pvt. Chris Nievarez at ang kanyang team-mate na si Mr. CJ Jasmin sa men’s lightweight double sculls (rowing) event.

Nakipag paligsahan ang 21 atleta mula sa Philippine Army ang bahagi ng Philippine Team sa 31ST SEAG.


Kasali ang mga ito sa kompetiston sa athletics, badminton, basketball, kurash, rowing, sepak takraw, volleyball, weightlifting, wrestling, at chess.

Matatandaan na namayagpag ang Team Philippines sa 30th SEAG noong 2019, kung saan nakamit nila ang 387 medalya, kabilang ang 149 na ginto.

Facebook Comments