SIMBANG GABI | 10,000 pulis, ipinakalat

Manila Philippines – Nasa 10,000 pulis ang ipinakalat sa Metro Manila para sa pagsisimula ng simbang gabi.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Oscar Albayalde, kanilang idineploy ang mga pulis sa mga matataong lugar lalo na sa mga malalaking simbahan, terminal, palengke, tiangge at iba pa.

Kasabay nito, tiniyak ni Albayalde na nananatiling mapayapa ang buong Kamaynilaan at walang namomonitor na anumang banta sa seguridad.


Facebook Comments