SINAMPOLAN | Dimple Star Bus, tuluyan ng isasara ng Quezon City Government

62

Quezon City – Isisilbi na mismo personal ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Closure Order laban sa Dimple Star Transport Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay Mayor Bautista, noong nakaraang taon lumagda ang Quezon City Government ng Memorandum of Agreement sa MMDA at LTFRB upang bigyang babala ang mga bus operator na hindi tumatalima sa isinasaad sa batas ang kaligtasan ng mga pasahero.

Paliwanag ng alkalde, ang pagpapasara sa Dimple Star Transport matapos atasan ni Pangulong Duterte na kanselahin ang lahat ng prangkisa ng naturang bus company nang masawi ang 19 katao at ikinasugat ng 21 iba pa.

Giit ni Bautist,a nais nilang matiyak na hindi na maulit muli ang naturang trahedya kaya ipinatutupad nila ang mahigpit na implentasyon ng batas upang maiwasan ang bilang ng mga nadidisgrasya sa lansangan.



Facebook Comments