
Iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian na magsilbing babala sa mga mang-aabuso sa kapangyarihan ang sinapit ng mga sangkot sa iligal na POGO hub sa Porac, Pampanga.
Kinasuhan na kasi ng Department of Justice (DOJ) ng kasong human trafficking ang mga dawit sa POGO sa Porac na sina Atty. Harry Roque, Cassandra Li Ong at iba pa.
Ayon kay Gatchalian, magsilbi itong babala sa sinumang mang-aabuso sa kapangyarihan at ang mga lalabag sa batas ay papanagutin anuman ang kanilang impluwensya, posisyon o kapangyarihan.
Sinabi ni Gatchalian na welcome development ito dahil ipinakikita ang malakas na commitment ng gobyerno na isulong ang hustisya at pananagutan.
Tiniyak ni Gatchalian na patuloy nilang babantayan ang takbo ng mga kasong may kinalaman sa mga krimen sa POGO at hindi sila titigil hangga’t hindi napapanagot ang lahat ng sangkot.