Sinas, bibigyan ng bagong posisyon ni Pangulong Duterte

22

Bibigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong posisyon si dating Philippine National Police (PNP) Chief Major General Debold Sinas.

Ito ang kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kasabay ng pagbaba sa pwesto ni Sinas bilang PNP Chief.


Gayunman, hindi binanggit ni Año kung anong posisyon ang ibibigay ng Pangulo kay Sinas.

Si Sinas ay papalitan ni Lt. General Guillermo Eleazar bilang bagong PNP Chief.

Facebook Comments