Sinasabing direktor umano ng pasugalan, patay matapos pagbabarilin sa Tondo Maynila

64

Maynila – Huli sa CCTV ang pamamaril ng riding and tandem sa isang lalaki sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Dennis Antonio na sinasabing direktor sa isang pasugalan.


Ayon sa mga saksi, kasunod ng biktima ang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo saka binaril ang biktima.

Nadaplisan naman sa pamamaril ang isang babae na naglalakad lang sa lugar.

Inamin ng anak na bukod sa taxi driver ay may iba pang pinagkakaabalahan ang ama, na pagiging kolektor sa sugalan ng mga pulis.

Pero ayon sa mga pulis, asset nila si Antonio sa kampanya kontra video karera.




Facebook Comments