
Pinabulaanan ng China ang sinasabing pag-tap ng Tsina sa telepono ni Philippine Ambassador to the U.S. Jose Manuel Romualdez.
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, hindi rin sila nagkausap ni Ambassador Romualdez hinggil sa sinasabing pag-tap sa kanyang cellphone.
Nilinaw rin ni Ambassador Huang na matagal-tagal na rin silang hindi nagkakausap ni Ambassador Romualdez.
Una nang ibinunyag ni Ambassador Romualdez sa isang forum sa isang Unibersidad sa Amerika na maraming beses na siyang nakunan ng mga impormasyon ng China.
Inihayag din ni Ambassador Romualdez na ilang beses na tinangka ng Tsina na i-hack ang kanyang telepono.
Facebook Comments