Sindikatong nasa likod ng human trafficking sa mga Badjao, binalaan ng Manila LGU

132

Nakaalerto ngayon ang Manila Police District (MPD) laban sa sindikatong nasa likod ng paghahakot sa Maynila ng mga Badjao mula sa Mindanao.

Partikular na dumadagsa ngayon ang mga Badjao sa Pier area sa Tondo, Maynila.


Ayon kay Mayor Isko Moreno, nagtataka sila kung bakit hindi nauubos ang mga Badjao na kinukuha nila sa mga kalsada at pansamantalang kinakanlong.

Ilan sa mga Badjao na na-rescue habang namamalimos sa Maynila ay positibo sa COVID-19.

Tiniyak naman ng Manila Local Government Unit na kanilang tutulungan na makabalik sa kanilang mga lalawigan ang mga badjao na biktima ng human trafficking.

Nabatid na sila ay napangakuan ng magandang buhay sa Maynila pero kalaunan ay namamalimos.



Facebook Comments