Singapore, nakapagtala ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw

237

Nakapagtala ang health ministry ng Singapore ng pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw.

Batay sa datos, umabot sa 1,650 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala na pinakamataas magmula ang pandemya.


Dahil dito, nagpasya ang pamahalaan ng Singapore na muling magpatupad ng limitasyon sa kanilang mga mamamayan.

Nabatid na nasa 80% pa lamang ng populasyon ng Singapore ang nabakunahan kontra COVID-19.

Facebook Comments