Singer na si Noven Belleza, kinasuhan ng rape

157

Showbiz – Sinampahan ng kasong rape ang singer na si Noven Belleza.

Si Belleza ay kampeon sa singing contest ng isang variety show ng isang TV network.

Ito’y dahil sa panghahalay sa isang 19-anyos na dalaga.

Batay sa medical examination, nagpositibong ginalaw ang biktima.

Nilinaw naman ng piskalya ng Cebu City Prosecutor’s Office na walang special treatment na ibibigay sa singer.

Tiniyak din ng korte na mabibigyan ng hustisya ang dalaga.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital si Belleza matapos sumikip ang dibdib nito nang arestuhin ng mga pulis sa isang concert sa Cebu.

Facebook Comments