Singer ng Ben & Ben na si Paolo Benjamin, trending matapos magsuot ng dress

117

‘Be comfy in your own skin’

Yan ang proud na sinabi ng Ben&Ben singer na si Paolo Benjamin kasunod ng Instagram post nito na nakasuot ng matingkad na dress na lagpas tuhod ang haba.


Ayon sa mga netizen, maituturing na breaking gender stereotypes ang post.

Nakatanggap naman ng maraming papuri ang singer kung saan umabot ng higit 9,000 likes sa loob lamang ng isang araw at binaha rin ng maraming heart reactions.

Si Paolo ay lead singer ng OPM sensation na Ben & Ben kung saan kasama niya rito ang kaniyang kapatid na si Miguel, at ilan sa mga kilalang kanta nila ay ang ‘Kathang Isip’, ‘Leaves’, ‘Pagtingin’ at iba pa.

Facebook Comments