Singer-songwriter na si Chito Miranda, suportado ang mga Filipino sa pagiging K-pop fans

69

Suportado ng songwriter at lead singer ng Bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang mga filipino pagdating sa pagiging K-pop fans.

Ito’y matapos ang pamba-bash ng ilang netizen sa grupong BTS at Blackpink sa social media habang isang dating beauty queen din ang nagbigay ng reaksyon na hindi umano siya sang-ayon sa mga Filipino fans ng K-pop dahil dapat na umanong suportahan ang local music industry.


Ayon kay Chito, hindi na dapat pinapakialaman pa kung ano ang trip ng isang tao sa kung anumang musika ang kanilang nais na pakinggan.

Dagdag niya pa, mas mainam ang pananahimik at huwag nang makialam sa buhay ng ibang tao para sa ikakabuti ng bawat isa.

Facebook Comments