Singil sa kuryente ngayong Oktubre, tataas!

40

Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Meralco ngayong Oktubre.

Sa abiso, magkakaroon ng P0.12 per kilowatt hour na dagdag-singil bunsod ng pagtaas ng generation charge.

Ibig sabihin, may dagdag na P24 sa October bill ang mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.

Nasa P36 naman ang dagdag kung aabot sa 300kwh ang konsumo sa kuryente; P48 kung 400kwh at P60 kung 500kwh.

Facebook Comments