SINGIL SA KURYENTE SA CENTRAL PANGASINAN NGAYONG MARSO, BUMABA

Bahagyang bababa ang singil sa kuryente sa mga member-consumer-owners sa Central Pangasinan dahil sa pagbaba ng generation charge ngayong Marso.

Sa inilabas na abiso ng Central Pangasinan Electric Cooperative, mula sa 6.84 na generation charge noong Pebrero, magiging 6.37 na lamang ito ngayong buwan.

Sa kabila nito, inihayag ng ilang konsyumer na walang nagbabago sa kanilang bayarin buwan-buwan dahil hindi umano nararamdaman kung may pagbaba sa singil.

Matatandaan na nauna nang inihayag ng tanggapan sa IFM News Dagupan na wala pang nakaambang taas singil sa kuryente sa kasalukuyan kasunod ng tumataas na demand dahil sa tag-init.

nito, nakadepende pa rin umano sa magiging konsumo at demand sa mga susunod na araw kung maaapektuhan ang kasalukuyang suplay sa kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments