SINGKWENTAY ANYOS NA LALAKI SA STA. MARIA, PINAGSAKSAK ANG SARILI

50

Sta. Maria, Pangasinan – Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang singkwentay anyos na lalaki matapos nitong pagsasaksakin ang sarili sa bayan ng Sta. Maria, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Rolando Capillan residente ng Brgy. San Mariano sa nasabing bayan.


Sa Imbestigasyon ng PNP Sta. Maria, lulan ng tricycle ang biktima kasama ang dalawang menor de dead na anak nito nang itigil ang tricycle sa tapat ng paaralan sa nasabing bayan.

Sa pagbaba nito ay agad nilapitan ang security guard ng nasabing paaralan kung saan ay humihingi ito ng patalim at nakakita naman ng patalim ang biktima at agad nitong na pinagsasaksak ang sarili sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang naglalakad ito sa compound ng paaralan hanggang sa mawalan ito ng malay.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan kung saan ay inoobserbahan habang ipinasakamay naman na sa DSWD ang dalawang mga anak nito.

Napag alaman sa imbestigasyon ng mga otorida na matagal ng umiinom ng gamot ang biktima dahil sa problema nito sa pag iisip.



Facebook Comments