Kakayanin pa rin umano na makapagsagawa ng single shift class ang Mangaldan National High School para sa mga mag-aaral ngayong school year.
Ayon kay MangHi Principal IV, Sir Eduardo Castillo, bagamat ang ilan sa pampublikong paaralan ay magsasagawa ng shiftin of classes, mananatili umano silang magsasagawa ng single shift class hanggang may sapat pang silid-aralan para sa mga mag-aaral.
Napansin umano nila ang mas mababang bilang ng mga nag-enrol ngayong school year kung saan umabot sa higit pitong libo kung ikukumpara noong nakaraang taon na nasa higit walong libo.
Ngunit hinihintay pa nila ang ilan sa mga mag-aaral na hahabol pa sa enrollment.
Sa ngayon, kung lulobo umano ang bilang ng mga grade 8 students na mag-eenroll ay maaaring magkulang naman sila ng silya na magagamit ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣