Sinibak na Eastern Police Director may nauna nang dalawang kaso ng pananakit ayon kay PNP Chief

391

Kinumpirma ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na may dalawang nauna nang kaso ng pananakit ang sinibak na si Eastern Police Director Brig Gen Christopher Tambungan.

 

Ayon kay Albayalde nakasampa na sa Office of the Ombudsman ang dalawang kaso.


 

Pero nakakalungkot aniya dahil sa pagkakataong ito babaeng pulis ang nakatikim ng pananakit ni Tambungan ito ay si Police Corporal April Santiago.

 

Sa reklamo ni Santiago sinaktan sya ni Tambungan matapos na hindi ma-comply ang kanyang task.

 

Nangyari aniya ito nitong May 12, 2019 hindi naman alam ni PNP Chief kung bakit naantala aniya ang pagrereklamo ni Santiago.

 

Nilinaw ni Albayalde na hindi pa permanente ang pagkakasibak kay Tambungan, aniya sinibak ito sa pwesto habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

 

Pero tiniyak nyang hindi magiging exempted sa kaso kahit pa mga senior officers ng PNP.

 

Handa naman daw silang magbigay ng legal assistance kay Santiago kung hihiling ito.

Facebook Comments

From Advertisers