Sinibak na Ombudsman official, dumulog sa Court of Appeals

Nagpasaklolo sa Court of Appeals ang sinibak na si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

 

Sa kanyang petition for review, hiniling ni Carandang sa CA na isantabi ang desisyon ng Office of the President na tanggalin siya sa posisyon.

 

Nanawagan din si Carandang sa Appellate Court na maibalik siya sa kanyang pwesto bilang Overall Deputy Ombudsman.


 

Iginiit ni Carandang sa kanyang petisyon na walang administrative disciplinary jurisdiction ang pangulo para siya ay sibakin sa pwesto.

 

Una nang pinatawan ng palasyo ng dismissal sa serbisyo si Carandang dahil sa mga kasong betrayal of public trust at katiwalian.

Facebook Comments