SINIGURO | Justice Sec. Guevarra, tiniyak na may mga kakasuhan sila sa isyu ng shabu na isinilid sa magnetic lifters

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Sec. Menardo Guevarra na may mga makakasuhan kaugnay ng shabu shipment na nilagay sa magnetic lifters.

Ayon kay Guevarra, ibabase nila ang gagawin nilang imbestigasyon sa committee report ng senate blue ribbon committee.

Sa sandali aniyang may makita silang mga ebidensya ay agad silang maghahain ng kaso laban sa mga nasa likod ng 6.8-billion shabu shipment.


Sa ngayon, hahayaan muna ni Guevarra na matapos ang imbestigasyon ng Senado sa nasabing kontrobersiya

Facebook Comments