SINIGURO | Patuloy na pagbagsak ng ratings ni Pangulong Duterte, tiniyak ni Senator Trillanes

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, naglaho na ang alamat ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kasikatan ng masama nitong asal.

Ayon kay Trillanes, ang pagbaba ng satisfaction ratings ni Pangulong Duterte base sa pinakahulng Social Weather Station o SWS Survey ay patunay na nakakakita na ngayon ng liwanag ang mamamayang pilipino.

Diin ni Trillanes ang tumataas na presyo ng mga bilihin sa bansa ay naglantad sa katotohanan na limitado lang ang kakayahan o positibong katangian ni Pangulong Duterte.


Pagtiyak ni Trillanes, magpapatuloy na ang pagbagsak ratings ni Pangulong Duterte.

Idinahilan ni Trillanes na hindi pa kasamang naikonsidera sa huling SWS survey ang negatibong epekto ng pag-resto ng mga otoridad sa mga tambay at masasamang pahayag ni Pangulong Duterte laban sa Diyos.

Facebook Comments