SINIGURO | SP Sotto, tiniyak na ihahatid si Senator Trillanes sa kulungan kapag may warrant of arrest na

234

Manila, Philippines – Mismong si Senate President Tito Sotto III ang maghahatid kay Senator Antonio Trillanes IV sa kulungan kapag naglabas na ang korte ng warrant of arrest.

Tugon ito ni Sotto sa mungkahi ni interior and local secretary Eduardo Año na ihatid niya si Trillanes sa kampo crame.

Ayon kay Sotto, gagawin niya ito para matiyak ang kaligtasan ni Trillanes.

Paliwanag ni Sotto, bilang lider ng mataas na kapulungan ay gagawin niya ang pag-alalay sa lahat ng mga kasamahang Senador.

Sabi ni Sotto, tiniyak din sa kanya ni Trillanes na susuko ito at hindi na papalag kapag naglabas na ang korte ng warrant of arrest kaugnay sa pagpawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnesty.

Facebook Comments