SINIMULAN NA | Deliberasyon para sa panukalang 2019 Nat’l budget, umarangkada na

20

Manila, Philippines – Sinimulan ng himayin ng mga senador ang 2019 proposed P3.757 trillion national budget.

Inihain ito sa plenaryo ni Senadora Loren legarda na chairman ng Senate Committee on Finance.

Ayon kay Legarda, ang budget para sa 2019 ay mas mababa ng P10 bilyong piso dahil nilimitahan ang budget para sa ilang programa.

Una nang tiniyak ng mga senador na mag-o-overtime na sila para talakayin ang panukalang budget at gagawin ang lahat para maaprubahan ito.

Facebook Comments