SINIRA | P50-M halaga ng mga fake products, winasak ng BOC

11

Laguna – Aabot sa P50 million na halaga ng mga pekeng produkto ang winasak ng Bureau of Customs o BOC sa Tritek Reverse Logistics Corporation, accredited condemnation facility sa San Pedro, Laguna.

Kabilang sa mga dinurog ng BOC ang nasa kalahating milyong piraso ng rubber shoes, sandals, t-shirts at jackets na pawang mga imitasyon ng mga sikat na brands.

Ang mga naturang produkto ay nakumpiska mula sa ginawang raid sa Pasay City noong Disyembre 2017.

Karamihan sa mga ito ay galing pang China o Vietnam at ilegal na binili nang walang ibinayad na duties and taxes.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, ang pagwasak sa mga produkto ay para patunayan na hindi na mare-recycle ang mga ito ng mga empleyado ng ahensya.

Facebook Comments