SINO ANG PAPALIT? | JBC, may shortlist na sa bakanteng puwesto sa Sandiganbayan

62

Manila, Philippines – Inilabas na ng Judicial and Bar Council ang shortlist
para sa binakanteng pwesto sa Sandiganbayan ni Justice Alexander Gesmundo.

Nanguna sa shortlist si Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Gina
Bibat-Palamos na naghatol ng record-breaking na habambuhay na pagkabilanggo
sa isang Canadian drug trafficker kung saan dinesisyunan nito ang kaso sa
loob lamang ng isang buwan.

Nakakuha si Judge Palamos ng anim na boto mula sa pitong JBC members.

Pasok din sa shortlist si Makati RTC Judge Ronald Moreno na may limang boto
; Sta. Cruz, Laguna RTC Judge Divinagracia Bustos-Ongkeko at Ligao, Albay
Rtc Judge Edwin.

Ma-alat na may tig-apat na boto.

Facebook Comments