Sinopharm COVID-19 vaccines, binigyan na ng EUA ng FDA

22

Ipinagkaloob na ng Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (FDA) ang pagtanggap ng Department of Health (DOH) ng donasyon ng Sinopharm vaccine.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sumulat sa kanila si Health Secretary Francisco Duque III noong May 20 na nagsasabing handa silang tumanggap ng donasyon ng Sinopharm mula sa China.


Paglilinaw ni Domingo na kahit ang DOH na mismo ang nag-apply, kailangan pa rin nilang magsumite ng proof at documents na nagpapakita sa safety, efficacy at quality ng produkto.

Una nang nabigyan ng EUA ang Sputnik V, Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, at Sinovac.

Facebook Comments