Sinovac, nananatiling epektibo sa severe COVID-19 – DOH

137

Nananatiling epektibo ang Sinovac vaccine para makaiwas sa severe COVID-19 symptoms o virus-related deaths.

Ito ay matapos tamaan pa rin ng COVID-19 ang 350 health workers sa Indonesia kahit “fully vaccinated” na.


Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nilinaw naman ng Reuters na ilan sa manggagawang nagpositibo ay asymptomatic at ilan lamang ang kinailangang maospital.

Nilinaw rin ni Vegeire na kung ang Indonesia ay may 5,000 health workers, ang 350 na nagpositibo sa virus ay pitong porsyento lamang kaya’t masasabing epektibo pa rin ng 93 porsyento ang Sinovac.

Facebook Comments