Sinovac vaccines, ipadadala sa Cebu at Davao ngayong linggo

29

Nakatakdang dalhin ngayong linggo sa Cebu at Davao ang coronavirus vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ipamamahagi ang mga vaccine dose sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.


Hindi naman binanggit ni Galvez ang dami ng bakuna na dadalhin sa nasabing mga ospital pero tiniyak na magiging patas ito.

Kung may sobra man aniya ay bibigyan ang iba pang rehiyon tulad ng Region 3, Region 4A, Baguio City at iba pang lugar na tinamaan ng COVID-19.

Kahapon, Lunes, umarangkada na ang COVID-19 vaccination program sa bansa gamit ang 600,000 dose ng Sinovac vaccine.

Facebook Comments