SINU- SINO? | Pangalan ng mga sisibaking opisyal ng gobyerno at pulisya, isisiwalat sa susunod na linggo

86

Manila, Philippines – Ibubunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang mga panibagong pangalan ng mga opisyal ng gobyerno at pulisya na kanyang sisibakin.

Una nang nagparinig ang pangulo na susunod niyang sisibakin ang isang ‘Chairman of an Entity in Government’.

Sinabi rin ng pangulo na bukod sa 40 hanggang 70 pulis, mayroon ding mga police official na may 3-star rank ang tatanggalin niya sa pwesto.

Nabatid na tinanggal ng pangulo si Marcial Amaro, III bilang Administrator ng Maritime Industry Authority (Marina) at si Terry Ridon bilang Chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor dahil sa mga kwestyonable nilang biyahe.

Facebook Comments