SINU-SINO? | Tatlong Heneral at isang opisyal ng pamahalaan na may hawak na posisyong Chairman, nakatakdang sibakin

278

Manila, Philippines – Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon nanaman siyang sisibakin na isang opisyal ng pamahalaan.
Sa PAGCOR event kagabi sa Manila hotel ay sinabi ni Pangulong Duterte na korapsyon ang dahilan kaya niya sisibakin ang hindi pa pinapangalanang opisyal.
Pero nagbigay ng Clue si Pangulong Duterte dahil ngayong linggo aniya na ito ay sisibakin niya ang isang Chairman ng hindi naman pinangalanang tanggapan ng pamahalaan.
Bukod sa opisyal ay sinabi din ni Pangulong Duterte na mayroon din siyang mga pulis na sisibakin na sangkot naman sa iregularidad.
Mayroon ding nabanggit si Pangulong Duterte na tatlong heneral na nakatakdang masipa sa serbisyo dahil sa katiwalian pero hindi naman malinaw sa sinabi ng Pangulo kung ang mga ito sa sa Philippine national Police o sa Armed Forces of the Philippines.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na mayroong 3 police Colonel ang tatanggalin sa serbisyo kabilang na ang 70 police personnel

Facebook Comments