SINUBUKAN! | Senator Ping Lacson, hinamon ng oposisyon na maging kongresista muna

188

Manila, Philippines – Hinamon ni House Minority Leader Danilo Suarez si Senator Ping Lacson na maging kongresista muna ito matapos ang ibinunyag ng senador na dalawa sa mga kongresista ang nakatanggap ng bilyun-bilyong pork barrel sa ilalim ng 2019 budget.

Giit ni Suarez, wala namang alam si Lacson sa trabaho at sitwasyon ng mga kongresista kaya mabuting subukan muna ng senador na maging isang kongresista na maraming iniintinding hiling mula sa mga constituents.

Sinabi din nito na sila din ang nakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno para maipatupad ang mga proyekto sa kanilang mga distrito tulad ng farm-to-market roads, mga silid-aralan, at multi-purpose halls.

Pinag-iingat naman nila Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa paggamit nito ng salitang ‘pork barrel’ dahil matagal na itong wala.

Ligal din anila ang pagtugon sa concerns ng taumbayan at hanggang pagbusisi sa budget at pagtiyak na nagagamit ang pondo ng tama ang maaari na lamang nilang gawin dito.

Facebook Comments