SINUPALPAL | Hiling na pag-cross examine sa mga resource person, hindi pinayagan

40

Manila, Philippines – Humirit si Atty. Larry Gadon na i-cross examine ang mga inimbitahang resource persons para sa pagdinig ng probable cause sa impeachment case ni SC CJ Maria Lourdes Sereno.

Nagbakasakali si Gadon na dahil maaaring i-cross examine ni Sereno ang mga saksi sakaling haharap sa pagdinig ay baka pupwede rin siyang magtanong.

Marami umano siyang gustong itanong sa mga humarap ngayon sa binuong Special Committee on Retirement and Civil Service Benefits para sa mga naantalang benepisyo ng mga surviving spouses ng mga justices at judges.

Pero, hindi naman pinayagan ni Justice Committee Vice Chair Vicente Veloso ang hirit ni Gadon dahil nasa stage sila ng pagdetermina ng probable cause.

Matatandaan na papayagan si Sereno na magtanong sa mga testigo na ihaharap ni Gadon dahil ito naman ang Chief Justice kung ito ay magdedesisyon na haharap sa komite.

Facebook Comments