SINUPORTAHAN | Pagsasampa ng reklamo ng survivor sa Sagay massacre, sinabayan ng rally

207

Manila, Philippines – Sinuportahan ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura o UMA ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Violence Against Children and Women Act laban sa ama na batang survivor sa Sagay massacre.

Nagtipon sa harap ng Department of Justice (DOJ) ang grupo kasama ang ilang kasapi ng grupong Bayan at Anakpawis.

Inireklamo kasi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang ama ng batang survivor dahil pilit anya nitong kinukuha nito ang kustodiya ng katorse anyos na anak.

Ito ay sa kabila ng matagal nang nakatira sa lola ang bata mula nang abandonahin ito ng padre de pamilya.

Ang katorse anyos na bata ay isa sa mga testigo sa pamamaslang sa 9 na mga miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers sa Hacienda Nene noong gabi ng Oktubre 21.

Magugunitang inakusahan noon ng ama ng bata ang NUPL ng kidnapping dahil kinuha raw ang kanyang anak na dapat ay nasa kanya raw na kustodiya.

Pero ayon sa ina ng bata na nagtatrabaho sa Maynila, matagal nang wala sa pangangalaga ng kanyang mister ang kanilang anak.

Hinihintay naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng Sagay massacre.

Facebook Comments