SINUPORTAHAN | Pagtakbo ni Bong Go sa Senado, suportado ng ilang miyembro ng LP

60

Manila, Philippines – ng ilang mga kasapi ng Liberal Party (LP) si Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go na tumakbo na sa National Election sa susunod na taon bilang Senador.

Sa ginanap na Launching ng Sulong ang Pag Unlad Movement, nag ober dabakod na ang mga miyembro ng LP na sina QC 5th District Representative Alfred Vargas, Sta Rosa Laguna Mayor Danilo Fernandez, at Quirino Representative Dakila Cua upang himukin si Bong Go na tumakbo sa 2019 Senatorial race.

Umaasa ang mga miyembro ng LP at pamunuan ng SAMP mahihikayat din nila si SAP Bong Go na tumakbo sa Senado dahil malaki ang kanilang tiwala na tataas ang ranking nito sa darating na mga survey kasunod ng pag dami ng bilang ng mga grupong nag papakita ng suporta sa kalihim.

Matatandaan na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay buo ang suporta kay SAP Go sakaling magdesisyon siyang kumandidato sa 2019 midterm election.

Facebook Comments