SINUPORTAHAN | Pagtake over ng militar sa BOC, suportado ng liderato ng Senado

27

Manila, Philippines – Aminado si Senate President Tito Sotto III na radikal ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa pamamahala ng Armed forces of the Philippines o AFP ang Bureau of Customs o BOC.

Pero giit ni Sotto, talagang kailangan ang matinding hakbang o solusyon para mapatino ang kalakaran sa BOC.

Kaugnay nito ay intresado si Sotto na masbaybayan ang mga pagbabagong ihahatid ng paghawak ng AFP sa BOC.

Diin pa ni Sotto, ang BOC ay sadyang nangangailangan ng complete pag-overhaul o malawakang reporma.

Facebook Comments