SIPHONING SA INIREREKLAMONG DRAINAGE SA BAHAGI NG MAGSAYSAY FISH MARKET, ISINAGAWA

Ikinatuwa ng mga tindero at tindera sa isang bahagi ng Magsaysay Fish Market ang ginawang aksyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan kaugnay sa inirereklamong drainage.
Matatandaan na isinangguni ito ng mga concerned citizens sa himpilan ng IFM Dagupan dahil sa perwisyo umanong idinudulot nito, partikular ang masangsang na amoy at putik na nagmumula rito, sa parehong mga vendors at mamimili.
Bilang tugon, nagsagawa ng siphoning o pagsipsip sa poso negro ang City Engineering Office nito lamang mga nakaraang araw.
Ayon sa mga vendors na malapit dito, nakatulong umano ito dahil kahit papaano ay naibsan ang kalagayan sa kani-kanilang pwesto.
Samantala, laking pasalamat ito ng mga manlalako at inihayag na rin na mainam ang pagsasagawa ng desludging lalo ngayong panahon na ng tag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments